DOH may paalala hinggil sa Copper face mask

Nilinaw ng Department of Health na hindi medical grade ang nauusong copper face mask ngayon.

At dahil hindi medical grade ang copper mask, sinabi ng DOH na hindi ito kasama sa listahan ng mga aprubadong face mask ng Food and Drug Administration.

Gayunman, ayon sa DOH, face mask parin naman ito at maaaring makatulong upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Para sa makita ang listahan ng mga rehistradong face mask, maaaring magtungo sa website ng FDA na www.fda.gov.ph.

Una rito, marami ang nagulat matapos ang inilabas na abiso ng Makati Medical Center kung saan nakasaad na ang papayagan lamang sa ospital ay ang mga may suot na surgical at cloth face mask at clear face shield.

Bawal naman ang mga face mask na may exhalation valves, vents, slits o holes o butas.

Matatandaang una ng nagbabala ang mga eksperto sa panganib ng mga face mask na mayroong vents o valves dahil nakakalabas o nakakapasok ang “unfiltered” na hininga mula rito na maaaring makapaglabas rin ng droplets.

Madz Moratillo

Please follow and like us: