Mga nakarekober mula sa Covid-19, pwede na agad bakunahan- DOH
Hindi na kailangang maghintay ng 90 araw ng isang nagpositibo sa Covid-19 bago makatanggap ng bakuna.
Ito ay matapos amyendahan ng Department of Health (DOH) ang probisyon sa guidelines patungkol sa pagbabakuna.
Salig rito, ang mga indibidwal na nakarekober mula Covid 19 o nakakumpleto na ng treatment ay maaari ng bakunahan.
Sa pinakahuling datos, nasa mahigit 1.2 milyong indibidwal na ang nabakunahan kontra Covid-19.
Ang 65% rito ay nakatanggap pa lang ng unang dose ng bakuna, habang ang 9.5% ay fully vaccinated na o nakatanggap na kapwa ng una at pangalawang dose ng Covid 19 vaccine.
Sa kabuuan, nasa mahigit 3.02 milyong Covid 19 vaccine na ang dumating sa bansa at 98% rito ang naipamahagi na sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Madz Moratillo