Ika-124 Anibersaryo ng Kamatayan ni Gat Andres Bonifacio, ginugunita ngayong araw

183606335_312575690238456_397631114058008080_n

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang paggunita sa ika-124 Death Anniversary ngayong araw para sa ating bayaning si Gat Andres Bonifacio.

Sa kaniyang talumpati sa Liwasang Bonifacio sa Plaza Lawton, sinabi ng alkalde na hindi dapat kalimutan ang mga sakripisyong ipinamalas ni Bonifacio para sa bayan at sa mamamayan.

Si Andres Bonifacio ay isinilang sa Maynila kaya tinaguriang Batang Tondo.

Kilala siya bilang Ama ng Katipunan at Ama ng Rebolusyon.