Japanese tennis player Naomi Osaka hindi siguradong dapat pang ituloy ang Olympics
ROME, Italy (AFP) – Sinabi ng Japanese tennis star na si Naomi Osaka, na hindi siya siguradong dapat pang ituloy ang naantalang Tokyo Olympics, dahil sa nararanasang bugso ng coronavirus cases sa lungsod ngayong wala nang tatlong buwan bago magsimula ang palaro.
Nitong nakalupas na linggo, ay isang virus state of emeegency sa Tokyo at iba pang panig ng Japan ang pinalawig, habang tinitimbang ng organisers kung itutuloy pa ba ang palaro sa harap na rin ng dumaraming panawagan na kanselahin na ito.
Ayon sa 23-anyos na si Osaka, kasalukuyang US at Australian women’s champion at four-time Grand Slam winner . . . “To be honest, I’m not really sure if they should be held as planned from July 23. I’m an athlete, and of course my immediate thought is that I want to play in the Olympics. But as a human, I would say we’re in a pandemic, and if people aren’t healthy, and if they’re not feeling safe, then it’s definitely a really big cause for concern.”
Higit 10,000 mga atleta mula sa 200 mga bansa at rehiyon ang nakatakdang magtungo sa Tokyo para sa Olympics.
Sa kabila ng mas kakaunting bilang ng mga namatay kumpara sa maraming mga bansa, ang vaccine rollout sa Japan ay mabagal at ilang lugar ang nakapagtala ng maraming kaso dahil nagiging sanhi ng mga bagong insidente ng infection ang mas nakahahawang mga variant ng COVID-19.
Higit sa 300 libong katao ang lumagda sa isang online petition na inilunsad nitong nakalipas na linggo na pinamagatang “Cancel the Tokyo Olympics to protect our lives,” sa pagtatangkang mabago ang isip ng gobyerno at mga opisyal ng Olympics.
@ Agence France-Presse