Mga korte sa buong bansa, walang pasok sa Mayo 13
Inanunsyo ng Korte Suprema na walang pasok ang mga hukuman sa buong bansa sa Mayo 13, Huwebes.
Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, sinabi na ito ay matapos ideklara ng Malacañang na regular holiday ang May 13 dahil sa Eid’l Fitr ng mga Muslim.
Samantala, mananatiling pisikal na sarado hanggang sa Mayo 14 ang mga korte sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ o kaya ay localized ECQ at MECQ.
Gayunman, may nakatalagang skeleton staff sa mga essential judicial offices at tuloy ang pagdinig sa mga kaso sa pamamagitan ng videoconferencing sa mga apektadong korte.
Moira Encina
Please follow and like us: