Cargo vessel sa Delpan Wharf sa Maynila, nasunog, ilang bahay nadamay
Nasunog ang cargo vessel na MV Titan 8 habang nakahimpil sa Delpan Wharf malapit sa Delpan Birdge, Tondo, Maynila bandang 9:00AM, Hunyo 12, 2021. Nadamay rin sa sunog ang ilang bahay na malapit sa ilog.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine Coastguard, naliligo ang master ng MV Titan 8 nang makaranig siya ng malakas na pagsabog.
Nakahimpil ang barko para mag-refuel at naghahanda sa biyahe patungong Palawan nang mangyari ang insidente.
Habang inaapula ng mga tauhan ng Bureau Fir Protection (BFP) ang sunog, nagdeploy naman ang PCG Marine Environmental Protection Command (MEPCOM) ng mga oil spill boom upang makontrol ang oil spill sa tubig.
Sa report ng PCG kaninang 11:30 AM, umaabot na sa anim katao ang bilang ng mga nasugatan sa insidente.
Kinabibilangan ito ng apat na crew members ng MV Titan 8, at dalawang crew members ng MV Princess Christine na katabi ng nasunog na cargo vessel.
Nadamay rin sa sunog ang ilang kabahayang malapit sa ilog kung saan nasusunog ang MV Titan 8.
Ayon sa PCG , inanod ang mga nasusunog na drum na naglalaman ng gasolina na lulan ng MV Titan 8, kaya kumalat ang apoy.