Abogado ng VACC, itinalagang bagong Government Corporate Counsel ni Pangulong Duterte

0
vacc

Itinalaga bilang bagong Government Corporate Counsel ang isa sa mga abogado ng Volunteers Against Crime and Corruption.

Sa appointment paper na natanggap ng Department of Justice mula sa Malakanyang, hinirang ni Pangulong Duterte si Rudolf Philip Jurado bilang pinuno ng Office of the Government Corporate Counsel.

Pinalitan ni Jurado si Ireneo Galicia.

Ang Government Corporate Counsel ang nagtatanggol sa legal na interes ng lahat ng mga Government Owned and Controlled Corporation at mga subsidiary nito.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *