Advisory: Southbound Lane ng Roxas Blvd. pansamantalang isasara sa Sabado hanggang Linggo
Pansamantalang isasara sa mga motorista ang ilang bahagi ng Southbound Lane ng Roxas Boulevard simula bukas hanggang linggo.
Batay sa advisory na inilabas ng MPD Traffic Bureau, sa April 22 , simula alas dos ng hapon, sarado ang Southbound Lane ng Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo para sa isang pagtitipon.
Sa April 23 naman (linggo) simula alas tres ng madaling araw ay sarado na ang Southbound Lane ng Roxas Blvd., mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo, para sa isasagawang fun run.
Pinapayuhan ang mga motorista na humanap na ng mga alternatibong ruta para hindi na maantala sa pagbiyahe.