Affidavit ng 12 dating tauhan ni Julie Patidongan, hindi umano isinumite ng PNP-CIDG sa DOJ  

0

Nanawagan sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), ang abugado ng isa sa mga akusadong pulis sa kaso ng missing sabungero, na ilabas ang affidavit ng 12 umano’y dating tauhan ng whistle blower na si Julie patidongan.

Ayon kay Atty. Bernardo Vitriolo, abogado ni PSMSgt. Joey Encarnacion, hindi isinumite ng CIDG ang nasabing mga affidavit na aniya’t makatutulong sana sa pagbalanse ng kaso ng missing sabungeros.

Ayon sa abogado, July 17 nang magtungo sa tangapan ng CIDG sa kampo krame ang 12 dating tauhan ni alyas totoy para magbigay ng affidavit.

Laman umano ng nasabing affidavit ang kwento kung saan itinuro nila si Patidongan at kanyang mga kapatid na siya umanong utak sa pagdukot at pagkawala ng mga sabungero.

Kabilang aniya rito si Ilakim Patidongan, na umano’y nag-withdraw sa ATM ng isa sa mga nawawalang biktima, at si Jose Patidongan na umano’y nakita namang nag-e-escort sa  isa pang biktima.

Ayon kay atty.Vitriolo, intensyonal na hindi isinumite sa DOJ ang mga affidavit na makatutulong sana sa paglalahad ng isang side ng kuwento.

Sumulat na umano sa CIDG si Atty. Vitriolo, para ilabas ang mga affidavit dahil kung hindi ay magsasampa sila ng kaso.

Patuloy nating hinihintay ang tugon ng CIDG kaugnay ng nasabing alegasyon.

Mar Gabriel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *