AFP handa sakaling maging mas agresibo ang aksyon ng China kasunod nang banggaan ng barko ng Chinese Coast Guard at PLA Navy sa Bajo de Masinloc

0

Handa ang Armed Forces of the Philippines sakaling maging mas agresibo ang China laban sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng insidente ng banggaan ng China Coast Guard at PLA Navy Ship habang hinahabol ang BRP suluan ng Philippine Coast Guard, sa panahong nasasagawa ito ng Kadiwa sa Bagong Bayaning Mangingisda sa Bajo de Masinloc kahapon.

Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent trinidad, spokesperson for the West Philippine Sea, hindi malayong maulit ang insidente kung magpapatuloy ang ilegal at agresibong aksyon ng China sa karagatan.

Pero pagtitiyak ni Trinidad, may sinusunod silang Rules of Engagement sa kaugnay na paggamit ng pwersa sa ganitong mga sitwasyon.

Giit ni trinidad, maari lang silang gumamit ng pwersa kung yan ay para sa self defense o pagdipensa sa kaligtasan ng ibang unit.

Sa harap ng insidente hindi aniya titigil ang Philippine Navy sa pagpapatrolya sa mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Hindi na aniya bago ang mga agresibong aksyon ng China na ginagawa na ng mga ito sa nakalipas na 10 hangang 20 taon

Muli namang iginiit ni AFP spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, na hindi mag-uudyok ng giyera ang Pilipinas kundi pinoprotektahan lang ang ang teroritoryo nito base sa International Law.

Ang pagprotekta sa teritoryo ay hindi maituturing na probokasyon kundi pagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

Giit ng AFP, hindi nang-aaway ang Pilipinas ngunit hindi rin uurong sa pagtatanggol sa mga teritoryo nito.

Mar Gabriel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *