AFP, tuloy tuloy ang pag-alam kung mayroong sundalo na nakikipag-ugnayan sa ASG
Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patuloy ang kanilang ginagawang counter-intelligence laban sa mga sundalong posibleng may kaugnayan sa mga kalaban ng estado.
Ginawa ni AFP Spokesman Restituto Padilla ang pahayag kasunod ng pagkakaaresto kay PSupt. Maria Cristina Brugada Nobleza na may kaugnayan sa teroristang grupong Abu Sayyaf.
Sinabi ni Gen. Padilla, batay sa kanilang report, wala naman silang nakikitang seryosong partisipasyon ang mga sundalo sa teroristang grupo gaya ng Abu Sayyaf.
Una rito, binigyang-diin ng Malacañang na kailangan pa talagang higpitan ang alerto sa kampanya tungo sa kapayapaan sa bansa.
“Ang counter-intelligence ay nakatuon sa organisasyon, kung may mga espiya sa loob, kung may mga tumutulong sa kalaban tulad ng aking nabanggit. Ito’y patuloy, this is a continuing efforts, this never stops”. – Padilla
