Aguirre itinanggi ang paratang ng gambling operator na si Charlie Atong Ang na pinagbabantaan niya ito

0
aguirre vit

Pinasinungalingan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang lahat ng mga paratang ng gambling operator na si Charlie Atong Ang  na nag-uugnay sa kanya sa illegal gambling operations.

Isa sa tinawag ni Aguirre na fabrications o gawa-gawa ang akusasyon na nagpaplano siya at ang iba pang opisyal na ipapatay si Ang.

Una nang isiniwalat ni Ang sa panayam ng mga mamamahayag na nakatatanggap siya ng mga death threat mula kina Aguirre, National Security Adviser Hermogenes Esperon at ilang miyembro ng PMA Class of ’82.

Layunin aniya ng mga ito na ipapatay siya upang mapahina at mapalitan ang kanyang virtual jai alai ng Small Town Lottery o STL.

Itinuro pa ni Ang si Aguirre at ang kapatid nitong si Engineer Ogie Aguirre na may kontrol sa operasyon ng STL sa Batangas hanggang Bicol.

May hindi ring pinangalanang kongresista si Ang na aniyay bagman ni Aguirre sa lalawigan ng Quezon.

Giit ni Aguirre malinis ang kanyang kunsensiya at handa siyang humarap sa anomang imbestigasyon.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *