Airport security inarmasan na rin dahil sa mga banta ng terorismo

0
miaa3

Binigyan na rin ng matataas na kalibre ng baril ang mga tauhan ng Manila International Airport o MIAA.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal,  inisyuhan ng automatic machine guns, high powered rifles at shotguns ang mga Airport security na kinomisyon ng MIAA.

Pero nilinaw ni Monreal wala namang direktang banta sa mga paliparan kundi bahagi lang ito ng precautionary measure na ipinatutupad sa mga paliparan matapos ang nangyaring Marawi siege at pag-atake sa Resorts World Manila.

Ang mga armadong in house terminal security ay idineploy aniya sa bisinidad ng paliparan at may direktang ugnayan sa Phlippine National Police Aviation Security.

Sa ngayon, umaapela ang MIAA sa publiko lalo na sa paliparan na agad ireport sa mga otoridad ang mga kahina-hinalang personalidad at mga bagahe sa mga terminal para matiyak na hindi makakalusot ang sinumang terorista o mga kasabwat na mga kriminal.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *