Alegasyon ni Pang. Duterte sa mga miyembro ng CA, isang pang-iinsulto ayon kay Lacson

0
ca

Isa umanong pang-iinsulto sa mga miyembro ng Commission on Appointments ang alegasyon ni Pangulong Duterte na naimpluwensyahan ng lobby money ang mga Senador at Kongresista para ibasura ang ad interim appointment ni Gina Lopez sa DENR.

Ayon kay Lacson, bagaman hindi sya apektado dahil wala siyang tinanggap na anumang lobby money, hindi tamang nagbibitiw ng ganitong alegasyon ang Pangulo.

Isa rin aniya itong pagsira sa integridad hindi lang ng mga miyembro kundi sa CA bilang isang independent constitutional body.

“I think it is unfortunate if not inappropriate and uncalled for. It is a sweeping assault not only on the integrity of the members of the CA who voted for rejection but the CA itself, being an independent constitutional body”. – Sen. Lacson

Nanindigan si Lacson na hindi sapat ang passion at enthusiasm ni Lopez para maging pinuno ng DENR at hindi ito pumasa sa hinahanap na criteria para sa isang miyembro ng gabinete.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *