Ambassador Angelica Caraos Escalona bagong tagapagsalita ng DFA

Ambassador Angelica Caraos Escalona, new DFA Spokesperson / Photo courtesy of DFA
Masayang inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang pagkakatalaga kay Ambassador Angelica Caraos Escalona bilang bagong tagapagsalita ng kagawaran.
Isang career diplomat simula 1996, si Ambassador Escalona ay nagsilbi sa iba’t ibang kapasidad sa DFA, gaya ng pagiging Executive Director ng Office of Consular Affairs at Director ng mga tanggapan na humahawak sa ASEAN, European, Asian, at American Affairs.
Sa ibang bansa, kinatawan niya ang pilipinas sa mga pangunahing puwesto, na ang pinakahuli ay bilang Consul General sa Toronto, Canada (2023–2025), maging sa Indonesia, Japan, at United States.
Ang kaniyang mga gawa ay umani na ng maraming pagkilala, kabilang ang Gawad Mabini – Dakilang Kasugo at awards mula sa Indonesian government.
Si Ambassador Escalona ay may Master’s degree in Foreign Affairs and Trade mula sa Monash University sa Australia, at Bachelor’s degree in International Relations mula sa Tsukuba University sa Japan.
Mahilig bumiyahe mula pagkabata, patuloy niyang niyayakap ang mga bagong karanasan saan man siya dalhin ng kaniyang trabaho.