Anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Kitty Duterte, dumulog sa SC para atasan ang pamahalaan na ibalik sa bansa ang kaniyang ama

0
Atty. Salvador Panelo and son, Atty. Salvador Paolo Panelo, Jr.,

Nagpasaklolo ang anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica Kitty Duterte sa Korte Suprema para atasan ang gobyerno na ibalik ang kaniyang ama sa bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng petition for writ of habeas corpus na inihain ng mga abogado nito na sina Atty. Salvador Panelo at anak na si Atty. Salvador Paolo Panelo, Jr., bago magtanghali sa Supreme Court.

Atty. Salvador Panelo

Ang petisyon ay kasunod ng pag-aresto at pagbiyahe sa dating presidente sa The Hague, Netherlands para sa kasong kinakaharap sa International Criminal Court (ICC).

Kinuwestiyon sa petisyon ang pagditene, pagdukot at pagsuko sa dating pangulo sa dayuhang institusyon.

Nais ng petitioner na mag-isyu ang SC ng writ of habeas corpus para dalhin at iharap ng respondents ang kaniyang ama sa Korte Suprema.

Tinukoy na respondents sa petisyon sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Crispin Remulla, PNP Chief Rommel Marbil at PNP CIDG Chief Nicolas Torre III.

Atty. Salvador Paolo Panelo, Jr.

Iginiit ni Atty. Panelo na nalabag ang mga karapatan ni dating Pangulong Duterte.

Binatikos din ng kampo ni Duterte ang pagsuko sa soberenya ng bansa sa ICC na wala namang huriskdikdyon sa Pilipinas.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *