Anim na Amerikano ikinulong ng South Korean police matapos tangkaing magpadala ng cash at bigas sa North Korea

0

Members of North Korean defector group Kuensaem fill empty plastic bottles with rice and masks, during preparations for an event to send the bottles towards the North, in Seoul, South Korea, June 18, 2020. REUTERS/Kim Hong-Ji/File Photo

Anim na Amerikano ang ikinulong sa South Korea, dahil sa pagtatangkang magpadala ng 1,600 plastic bottles na bigas ang laman, U.S. money at mga bibliya sa North Korea na idinaan sa dagay.

Sinabi ng isang pulis na ayaw magpabanggit ng pangalan dahil hindi siya awtorisadong magsalita sa media tungkol sa isyu, na inihagis ng mga Amerikano ang mga bote sa dagat mula sa front-line Gwanghwa Island upang anurin ito patungo sa pampang ng North Korea.

Aniya, iniimbestigahan na ang anim kaugnay ng mga alegasyon na nilabag nila ang batas sa management of safety and disasters.

Kinumpirma naman ng isa pang South Korean police officer ang pagkakaditini sa mga Amerikano.

Wala nang ibinigay na iba pang detalye ang mga pulis, pati na kung ang anim ay nagtangka na rin noong una na magpadala ng mga katulad na items sa North Korea.

Matatandaan na nagbunga ng tensiyon sa Korean Peninsula ang mga plastic bottles na inihahagis ng mga aktibista sa dagat o mga lobong pinalilipad nila na nakakabit na anti-North Korea propaganda leaflets patungo sa border.

Nagpahayag ng galit ang North Korea sa balloon campaigns sa pammagitan nang paglulunsad ng sarili nilang mga lobo na may laman namang mga basura patungo sa South Korea, kung saan dalawa ang lumapag sa presidential compound sa Seoul noong nakaraang taon.

Noong 2023, sinira ng Constitutional Court ng South Korea ang isang 2020 law, na nagsasaad na isang krimen ang pagpapadala ng leaflets at iba pang items sa North Korea, na tinawag itong isang labis na pagpigil sa kalayaan ng pagsasalita.

Subalit mula nang maupo sa puwesto sa mga unang bahagi nitong Hunyo, isinulong na ng bagong liberal government ni President Lee Jae Myung ang pagsugpo sa katulad na civilian campaigns sa pamamagitan ng ibang  safety-related laws, upang maiwasang lumala ang tensiyon sa pagitan ng North at South Korea at i-promote ang kaligtasan ng frontline South Korean residents.

Noong June 14, ikinulong ng mga pulis ang isang activist dahil umano sa pagpapalipad ng mga lobo patungo sa North Korea mula sa Gwanghwa Island.

A view of a balloon with a banner with an image of North Korean leader Kim Jong Un that the group has depicted as being in jail and portraits of the abductees which are planned to be sent today near the demilitarized zone separating the two Koreas, in Paju, South Korea, April 23, 2025. REUTERS/Kim Soo-hyeon/File Photo

Si Lee ay naupo sa kapangyarihan sa pangakong muling sisimulan ang matagal nang nahintong pakikipag-dayalogo sa North Korea at mag-establish ng kapayapaan sa Korean Peninsula.

Ipinahinto ng gobyerno ni Lee ang frontline anti-Pyongyang propagandaloudspeaker broadcasts, sa pagtatangkang mabawasan ang military tensions. Pagkatapos nito, hindi na rin narinig sa South Korean front-line towns ang North Korean broadcasts.

Subalit hindi pa malinaw kung tutugon ang North Korea sa “conciliatory gesture” ni Lee, makaraan nitong mangako noong isang taon na aabandonahin na ang “goal” ng mapayapang Korean unification.

Ang opisyal na dayalogo sa pagitan ng dalawang Korea ay noong 2019 pa nahinto,  matapos madiskaril ang U.S.-led diplomacy sa North Korean denuclearization.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *