Anim na mahahalagang isyu tinalakay nina Pangulong Duterte at Sultan Bolkiah sa bilateral talks sa Malakanyang

0
meeting

Anim na mahahalagang isyu ang naging sentro ng bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Brunie Darrussalam Sultan Haji Hassanal Bolkiah.

Itoy may kaugnayan sa nauna ng bilateral meeting noong magsagawa ng State Visit si Pangulong Diterte sa Brunie noong October 2016.

Unang tinalakay nina Pangulong Duterte at Sultan Bolkiah ang tungkol sa intelligence gathering, counter terrorism at sea piracy.

Pangalawang pinag-usapan ng dalawang lider ng bansa ang ukol sa patuloy na pagbibigay suporta ng Brunie sa isinusulong na usapang pangkapayapaan sa rehiyon ng Mindanao partikular sa mga rebeldeng Muslim.

Pangatlong tinalakay ang tungkol sa kampanya sa paglaban sa iligal na droga.

Pang-apat ay may kaugnayan sa pagpapalawak ng ugnayan sa larangan ng ekonomiya na nakasentro sa agribusiness.

Panglima ay may kinalaman sa Joint Commissiom for Bilateral Cooperatiom.

Panghuli ang ukol aktibong pakikilahok ng Brunie at pagsuporta sa Pilipinas bilang Chairman ng ASEAN ngayong taon.

Nilagdaan din ng Pilipinas at Brunei ang Memorandum of Understanding on Cultural Cooperation para mapalakas ang Halal Industry at Product Development.

Hinandugan din ni Pangulong Duterte ng isang state dinner si Sultan Bolkiah kasama ang kanyang deligasyon sa Palasyo ng Malakanyang.

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *