Anim na suspek arestado sa pagbebenta ng mga pekeng cellphone at tablet sa Binondo, Maynila

0

Courtesy: PNP-CIDG

Sinalakay ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang isang gusali sa Alvaro Street, Binondo, Manila na umano’y nagbebebenta ng mga pekeng cellphone at tablet.

Ayon kay CIDG Director, Police Brig. Gen. Romeo Macapaz, inabutan sa lugar ang 6 na suspek kabilang ang tatlong chinese national.

Courtesy: PNP-CIDG

Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa 37 units ng cellphones at 263 tablets na nagkakahalaga ng 3.5 million pesos

Lumitaw sa imbestigasyon na wala iyong kaukulang permit mula sa NTC o National Telecommunication Commission at DTI o Department of Trade and Industry.

Ayon kay Gen. Macapaz, delikado para sa consumer ang paggamit ng mga substandard at pekeng electronic device.

Courtesy: PNP-CIDG

Malinaw din iyong paglabag sa Intellectual Property and Trade Standards.

Patuloy namang hinihikayat ng CIDG ang publiko na i-report sa kanila ang mga ilegal na aktibidad sa kanilang lugar upang agad nilang maaksyunan.

Mar Gabriel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *