Anti-dangling wires operations isinagawa sa Quezon City

Courtesy : PIO Quezon City
Bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng Local Government Unit (LGU) ng Quezon City, nagsagawa ito ng Anti-Dangling Wires Operations sa pakikipagtulungan ng Meralco Task Force on anti-Dangling wires at Quezon City Department of Engineering (QCDE), sa Ascencion Avenue, Brgy. Greater Lagro, sa lungsod.
Inalis ang mga nakalaylay na kable, maging ang mga patay na linya (dead wires), at mga ilegal na koneksyon sa nasabing lugar.

Courtesy : PIO Quezon City
Layunin ng nasabing hakbang na maiwasan ang mga insidente ng sunog, gawing maaliwas ang mga kalsada, at matiyak ang kaligtasan ng publiko sa araw-araw na paglalakad at paglalakbay sa mga daanan.
Magpapatuloy ang nasabing operasyon sa iba’t ibang barangay sa lungsod bilang bahagi ng mas malawak na inisyatiba para sa kaligtasan at kaayusan ng mga lansangan.
Manny De luna