Apat na bahay, tinupok ng apoy sa Barangay Holy Spirit, QC
Photo courtesy: SCAN International Veterans Village 1 Chapter
Nasunog ang apat na bahay sa USAFFE Street Barangay Holy Spirit Quezon City.
Ayon sa Quezon City Fire Department nagsimula ang sunog pasado alas-11:00 ng umaga at idineklarang fire under control pasado alas-12:00 ng tanghali at idineklara namang fire-out pasado ala-1:00 ng hapon.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at wala namang naiulat na nasaktan.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga arson investigator ng Quezon City Fire Department.
Vic Somintac