Apat na myembro ng riding-in-tandem, arestado sa Makati City

Mag-aalas dose ng hatinggabi nang magkakasunod na maaresto ng mga tauhan ng Makati City police ang 4 na suspek, na nasa likod ng snatching at holdapan sa lungsod.
Miyembro umano ang apat ng Jordan riding-in-tandem criminals, na nambibiktima sa BGC at Makati area.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang caliber .38 na baril, isang gun replika at isang granada.

Nakumpiska rin ang ilang extrang damit na ginagamit umanong pamalit ng mga suspek, pagkatapos mambiktima upang iligaw ang mga pulis.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Chief Brig. Gen. Joseph Arguelles, miyembro din ng batang city jail ang mga suspek na labas pasok na sa kulungan.
Dati na silang nahuli sa mga kaso ng pagnanakaw, illegal drugs at illegal posession of fireamrs

Ayon naman kay NCRPO Director Brig. Gen. Anthony Aberin, ang pagkakahuli sa grupo ay patunay ng epektibo ang ipinatupad nilang intensified police visibility program sa kamaynilaan.
Dahil dito magdadalawang-isip na aniya ang mga kriminal at mas mararamdaman ng publiko na ligtas na ang mga lansangan.
Iminungkahi naman ng mga awtoridad sa local government units (LGUs), na magpasa ng ordinansa na mag-oobliga sa mga rider na hubarin ang kanilang helmet tuwing bababa sa motorsiklo.

Kadalasan anila kasi, hindi hinuhubad ng mga kriminal ang kanilang helmet upang hindi sila makilala at makuhanan ng CCTV camera.
Mar Gabriel