Arraignment ni dating COMELEC Chairman Benjamin Abalos, ipinagpaliban muli ng Sandiganbayan
Muling ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang nakatakdang arraignment kay dating COMELEC Chairman Benjamin Abalos.
Ayon sa anti graft court, may nakabinbin pang mosyon sa 6th Division si Abalos at kailangan pang hintayin ang ruling ng korte.
Dahil dito, itinakda sa June 20 ang pagbasa ng sakdal kay Abalos.
Si Abalos ay kinasuhan ng katiwalian ng Ombudsman dahil sa maanomalyang pagbili ng sasakyan noong 2003 na nagkakahalaga ng 1.7 million pesos na hindi dumaan sa public bidding.