Arraignment sa kaso ni Hagedorn, itinakda muli sa June 6.

0
hagedorn

Hindi nakadalo si dating Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn sa nakatakda nitong arraignment kaugnay sa kinakaharap na mga kaso sa umano’y bigong pag-disclose ng ilan sa ari-arian sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o (SALN).

Dumating si Hagedorn sa Maynila mula Palawan noong nakaraang Martes, para dumalo sa naturang arraignment.

Pero ayon sa kanyang abogado, nadulas si Hagedorn at ngayon ay hindi pa nito kayang maglakad.

Kasalukuyang isinasailalim ang dating alkalde sa pain treatment.

Ipinag-utos ni Associate Justice Rafael Lagos, na siyang presiding judge sa naturang arraignment, ang pagsusumite ng medical certificate ng kampo ni Hagedorn.

Dahil dito, itinakda ang naturang arraignment sa June 6.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *