Asahan ang mas maraming bagyo ngayong 2017 ayon sa PAGASA

0
pagasa

Mas maraming bagyo ang aasahan hanggang Disyembre kumpara sa mga nakalipas na taon.

Ayon sa Pagasa, posibleng maging madalas ang pagpasok ng mga bagyo simula sa susunod na buwan, lalo na sa huling quarter ng 2017.

Kaugnay nito, nagbabala rin ang Pagasa ukol sa mas madalas at malalakas na buhos ng ulan ngayong nagsimula na ang pag-iral ng southwest monsoon o hanging habagat.

Ayon kay PAGASA Administrator Vicente Malano, ang pagsisimula ng habagat ay indikasyon na rin ng unti-unting pasok ng tag-ulan.

Pero maaaring ideklara nila ang ganap na pagsisimula ng rainy season sa susunod na linggo o sa unang mga araw ng Hunyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *