ASG hindi makakapasok sa Palawan – Gov. Alvarez

0
alvarez (1)

Tiniyak ni Palawan Governor Jose Alvarez na hindi magtatagumpay ang mga bandidong grupo na nagbabalak mandukot ng mga dayuhan sa kanilang lalawigan.

Sa panayam ng Liwanagin Natin sinabi ni Alvarez na nakataas ang alerto sa buong Palawan lalo na ang mga lugar na dinarayo ng mga turista.

Tulong tulong din aniya ang lokal na pamahalaan, militar at pulisya para magbigay seguridad sa buong Palawan kaya walang dapat ikatakot ang sinumang magtutungo roon.

Partikular na binabantayan ang entry at exit points maging ang mga coastal areas para masigurong hindi makakapasok ang mga terorista.

Ulat ni : Marinell Ochoa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *