Bagyong Samuel, inaasahang tatama sa kalupaan sa Eastern Samar at Dinagat Islands – PAGASA

0
DsbwbM_U0AApZ4o.jpg large

Patuloy na kumikilos ang bagyong Samuel, pa-kanluran hilagang kanluran habang papalapit sa LEYTE GULF AREA.

Batay sa forecast ng pagasa, huling namataan ang bagyong samuel sa layong 250 kilometro silangan ng Maasin City, Southern Leyte o 165 kilometro sa timog-silangan ng GUIUAN, EASTERN SAMAR.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Nakataas ang public storm warning signal number 1 sa:

Masbate kasama na ang Ticao island
Romblon
Southern Oriental Mindoro
Southern Occidental Mindoro
Palawan kasama na ang cuyo island at calamian group of islands
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Bohol
Cebu
Siquijor
Negros Oriental
Negros Occidental
Guimaras
Iloilo
Capiz
Aklan
Antique
Dinagat islands
Surigao del Norte
Surigao del Sur
Agusan del Norte
Agusan del Sur
Misamis Oriental
at Camiguin

Ayon sa PAGASA, asahan ang malawakang pag-ulan sa mga lugar na nasa ilalim ng public storm warning signal number 1.

Inaasahan namang maglaland-fall ngayong gabi ang bagyong samuel sa SOUTHERN PORTION ng Eastern Samar at Dinagat Islands.

Samantala, patuloy na mararanasan ang malamig na panahon dahil sa northeast monsoon o amihan sa Northern at Central Luzon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *