Bagyong Samuel, napanatili ang lakas
Nakataas pa rin sa storm signal no. 1 ang dalawamput walong lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa bagyong Samuel.
Namataan ang sentro ng bagyo sa layong tatlong daan at tatlumpu’t limang (335) kilometro sa silangan ng Maasin City Southern Leyte.
Kumikilos ang bagyo sa Samar-Leyte Dinagat Area sa bilis na dalawampung (20) kilometro bawat oras. taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa limampu’t limang (55) kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na hanggang animnapu’t limang (65) kilometro bawat oras.
Katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na maaaring magdala ng mga pagbaha at landslides ang puwedeng asahan sa Visayas, Sorsogon, Masbate, Romblon, Dinagat Island at Siargao Islands.
Inaasahang maglalandfall sa kalupaan ng Samar-Leyte -Dinagat area ang bagyong Samuel mamayang gabi.