Balik Eskuwela Diskuwento Caravan, nilahukan ng SMSEs

Sa pangunguna ng Department of Trade & Industry (DTI) at ng Department of Education (DepEd), sa pakikipagtulungan ng Lungsod ng Maynila, ay matagumpay na naisagawa ang Balik Eskuwela Diskuwento Caravan sa Inner Court ng Manila City Hall.

Nilahukan ito ng small and medium-sized enterprises (SMSEs), na nagbebenta ng murang school supplies kabilang ang school uniforms.

Sa kaniyang talumpati sa naturang event, ay hinikayat ni DTI Secretary Ma. Cristina Roque ang mga mamamayan na samantalahin ang murang presyo ng mga kagamitan sa paaralan na kakailanganin ng mga mag-aaral.

DTI Secretary Ma. Cristina Roque
Binanggit din ng kalihim na sa mga lugar na kanilang inikutan gaya ng Divisoria at Baclaran, ay nakita nilang sumusunod naman sa price guideline ang mga nagtitinda ng gamit pang-eskuwela.
Ed mercadejas