Barangay kagawad na dating SB member sa Pagadian City, binaril patay
Patay ang isang dating miembro ng Sangguniang Bayan at kasalukuyan barangay kagawad ng Poblacion, Kumalarang, sa Zamboanga del sur, matapos barilin ng riding en tandem sa may Alano street, barangay San Francisco Pagadian city Zamboanga del sur, pasado alas-8 kaninang umaga.
Ayon kay Lt. Col. Jerwin Cagurin, hepe ng Pagadian City Police Office, ang biktima ay nakilalang si Francisco Maca.
Kaugnay nito ay bumuo na ng Task Force Maca ang PNP sa Zamboanga del Sur, upang mapanagot ang mga suspek na responsable sa pagpatay sa barangay kagawad.
Ely Dumaboc