BBM hiniling sa SC na magtalaga hearing officers sa kanyang electoral protest

0
bbm2

Nais ni dating Senador Bongbong Marcos na magtalaga ang Korte Suprema ng mga hearing officers na tutulong para mapabilis ang pagdinig sa kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang pitong-pahinang urgent ex-parte motion, hiniling ni Marcos sa Supreme Court na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal na magtalaga ito ng hindi bababa sa tatlong hearing officers na aagapay sa preliminary conference ng kanyang protesta.

Ayon sa abogado ni Marcos na si George Garcia,  kailangan ng tatlong hearing officers dahil tatlo rin ang main issues sa protesta ng dating Senador.

Mahalaga aniya na may naka-assign na hearing officer sa bawat isang isyu o cause of action para hindi magulo ang pagdinig lalo na at balak nila na magprisinta ng partikular na mga testigo at mga documentary exhibit sa bawat isang usapin sa poll protest.

Ang tatlong isyu na ito ay ang palpak na  automated election system, failure of elections sa ilang lalawigan ng Mindanao at ang hindi otorisadong pagpapalit ng bagong hash code sa transparency server ng Smartmatic na isinagawa sa mismong araw ng eleksyon.

Itinakda ngPET ang preliminary conference sa June 21 ng alas dos ng hapon.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *