BFP bumili na lang ng mga bagong fire truck sa halip na ipagawa ang mga lumang gamit – COA

0
bfp1

Pinalitan na lang ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kanilang mga lumang fire truck at mga emergency service vehicle sa halip na  ipagawa nila ito sa halagang ₱45.69 million ayon sa Commission on Audit.

Tinangihan ng COA ang request ng BFP na pagpapagawa ng kanilang mga kagamitan na lumagpas sa 30 percent na repair cost limit.

Hindi rin pinayagan ang patuloy na paggamit ng mga lumang fire truck at ibang lumang kagamitan dahil hindi na ito maayos na gumagana.

Dagdag pa ng COA na pagtatapon lang ng pera ang pagpapaayos ng mga kagamitan dahil malaking pera ang gugugulin at masisira lang ito pagkatapos ng ilang panahon.

Dahil dito, inirekomenda ng COA na bumili nalang ng bagong mga kagamitan ang BFP para sa lalong ikaaayos ng serbisyo nito.

Ayon sa Department of Budget and Management naglaan na sila ng ₱416.32 million na budget para sa 68 na bagong fire trucks noong 2012 at ₱717.41 million na pondo para sa mga modern fire station at firefighter gear.

Subalit  ang nasabing pondo na inilaan para sa pagbili ng mga bagong gamit at firetrucks ng BFP ay hindi pa nagagalaw.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *