BI bumuo ng special team sa NAIA para sa ASEAN summit

0
asean-648x430

May mga itinalagang special teams ang Bureau of Immigration sa NAIA para sa pagdating at pag-alis ng mga dayuhang delegado sa gaganaping  ASEAN summit sa bansa.

Bukod dito inihayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente na may mga special ASEAN lanes sa NAIA para sa mas mabilis at maayos na processing ng mga delegado.

Ayon pa sa opisyal, may binuo ring grupo ng mga immigration intelligence agents para tumulong sa mga law enforcers at securities agencies na reresponde sa anomang banta ng terorismo.

Tiniyak naman ni Morente na bago pa man ang ASEAN summit ngayong linggo ay nakadeploy na ang mga covert teams ng mga immigration agents para mamonitor ang anumang threat groups sa mga lugar na pagsasagawaan ng ASEAN meetings.

Naka heightened alert din aniya ang  port operations division ng BI simula pa noong Nobyembre nang magsimula ang ASEAN meetings.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *