Bidding ng mga gagamitin sa SK at Barangay elections sinimulan na ng COMELEC
Binuksan na ng COMELEC ang ikalawang bidding para sa supply at delivery ng 3.2 million pesos na thumbprint at fingerprint taker.
Gagamitin ang mga ito para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.
Ang Pre-Bid conference ay gagawin sa May 26, 2017 alas- diyes ng umaga sa Session Hall ng COMELEC.
Ang pagbubukas ng bid ay gagawin naman sa June 9, 2017 na siya ring deadline para sa pagsusumite ng bid.
Ulat ni: Moira Encina