Bilang ng Maute member na napapatay sa bakbakan sa Marawi, umakyat na sa 242 – AFP

0
marawi is

Pumalo na sa 242 ang namatay sa hanay ng Maute terror group sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Affairs Chief Col. Edgard Arevalo, nasa kabuuang 243 na baril ng Maute group ang narekober ng tropa ng pamahalaan mula noong June 17, araw ng Sabado.

Nananatili naman sa 26 at 59 ang bilang ng mga namatay na sibilyan at sundalo sa sagupaan.

Dagdag pa ni Arevalo, umakyat na sa 1,636 ang nailigtas na sibilyan ng militar.

Samantala, sinabi din ni Arevalo na naghahanda na ang militar para sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng Marawi City.

Handa na aniya ang combat engineering brigades mula sa Philippine Army at Navy para sa agarang deployment sakaling matapos na ang clearing operations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *