Bilang ng namatay sa California wildfire umakyat na sa 24

0
LA WILDFIRE

Encino, Los Angeles, January 12, 2025. REUTERS/Ringo Chiu

Umakyat na sa 24 ang bilang ng namatay sa wildfire sa Southern California.

Ayon kay California Governor Gavin Newsom, maituturing na itong pinakamapaminsalang sakuna sa kasaysayan ng Estados Unidos, kung saan libu-libong mga bahay na ang tinupok at isangdaang libong katao naman ang sapilitang lumikas.

Nagkukumahog naman ang mga bumbero na maapula ang dalawang Los Angeles wildfires na anim na araw nang naglalagablab, bago muling bumalik ang pag-iral ng malalakas na hangin.

Sinabi ni Los Angeles County Fire Chief Anthony Marrone, “These winds combined with low relative humidities and low fuel moistures will keep the fire threat in all of Los Angeles County very high.”

Ayon sa mga opisyal, sinira ng sunog ang labingdalawang libong mnga istraktura, kabilang ang tahanan ng mga kilala at mayayamang tao at mga ordinaryong residente.

Ang sunog sa kanlurang bahagi ay tumupok na ng higit sa 23,000acres, habang ang Eaton fire sa Silangan ng Los Angeles ay sumunog na ng higit sa 14,000 acres o halos singlaki na ng Manhattan.

Sa ulat ng California Department of Forestry and Fire Protection, sa hilaga ng siyudad, ang Hurst fire ay 89 percent nang kontrolado, habang ang tatlong iba pang mga sunog na nanalasa sa iba pang bahagi ng L.A ay 100 percent nang contained.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *