BIR nanindigan sa mahigit ₱9B na tax evasion case na inihain laban sa Mighty Corporation

0
migthy

Pinanindigan ng Bureau of Internal Revenue ang isinampa nitong ₱9.56 billion na tax evasion case laban sa Mighty Corporation sa DOJ.

Ito ay batay sa reply affidavit na inihain ng BIR sa DOJ panel na nagsasagawa ng preliminary investigation sa reklamo.

Binigyan naman ng pagkakataon ng mga piskal ang Mighty na sumagot sa reply affidavit ng BIR.

Itinakda ng panel of prosecutors ang susunod na pagdinig sa Mayo a trenta.

Sa kontra -salaysay ng mga opisyal ng Mighty Corporation, hiniling nito sa DOJ na ibasura ang reklamo.

Wala anilang tax assessment na ginawa ang BIR at wala ring batayan ang paratang na nahulihan ng pekeng tax stamp ang mahigit 33 milyong pakete ng sigarilyo na nasamsam mula sa kanilang warehouse sa San Simon, Pampanga.

Ulat ni: Moira Encina

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *