Boracay top 4 sa 2016 World’s friendliest Islands; 3 pang Isla sa Phil., pasok din

0
bora1

Ikinatuwa ng Department of Tourism Boracay nang mapabilang ang isla ng Boracay sa  2016 World’s friendliest Islands ng isang magazine sa New York.

Sa pamamagitan ng boto ng readers, pang-apat ang Boracay sa talaan ng travel + leisure, habang nanguna naman ang Palawan at sinundan ng Cebu at Luzon.

Sinabi ni Jess Mchugh sa kanyang article sa website ng isang magazine, na nanguna ang mga isla sa Pilipinas dahil sa pagiging palakaibigan ng mga pinoy sa mga turista at magaling ang mga ito sa pagsasalita ng english.

Ang iba pang tinaguriang friendliest Island sa buong mundo ay Waiheke ng New Zealand; Ischia sa Italy; Tasmania sa Australia; Fiji Islands; Bali sa Indonesia; Great Barrier Reef Islands; Moorea; Paros, Greece, Bora-Bora; Exhumas, Bahamas at Caye Culker, Belize.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *