BSP hinimok ang publiko na ideposito ang nakatago nilang mga barya

Courtesy: BSP FB page
Hinihikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na ideposito ang kanilang mga nakatagong barya sa bangko.
Ito”y dahil sa ligtas sa pagnanakaw at may interes na kikitain ang salaping nakaimpok sa bangko.
Para naman sa mga may nais na mapalitan ang kanilang naipong barya ng bagong pera (barya, papel o polymer), maaaring dalhin ang mga ito sa pinakamalapit na Currency Exchange Center (CEC) o Currency Exchange Partner (CEP) sa ilalim ng “BSP Piso Caravan.”
Sa ngayon ay mayroon nang nang 1,504 na CEC/CEP sa buong bansa.