Budget ng Office of the Vice President para sa 2026 dadaan sa tamamg proseso ayon sa Kamara

Walang pagbabago sa pagtrato ng Gouse Committee on Appropriations sa panukalang budget ng Office of the Vice President (OVP), para sa 2026.
Ito ang tiniyak ni House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong, matapos ihayag ni Vice President Sara Duterte na 733 million pesos pa rin ang hihinging budget ng OVP para sa fiscal year 2026.
Si Adiong ang sponsor ng OVP budget sa plenaryo ngayong taon, kung saan inalis ng Kamara ang confidential at intelligence fund sa tanggapan ng pangalawang pangulo.

Sinabi ni Adiong na daraan sa regular na proseso ang budget proposal ng alinmang ahensiya ng gobyerno kung saan ang Development Budget Coordinating Committee ng Department of Budget and Management (DBM), ng mag-a-assess ng budget request bago ito isumite sa Kamara para sa budget deliberation.
Ayon kay Adiong, hindi namemersonal ang Kamara dahil ang tinitingnan ay ang pangangailangan ng ahensiya sa pondo at hindi ang namumuno kasama na ang OVP.
Batay sa pahayag ni VP Sara, hindi na hihirit pa ng dagdag na budget ang OVP sa 2026 dahil ayaw na niyang mapahiya ang mga opisyal at empleyado ng tanggapan ng pangalawang pangulo.
Vic Somintac