Buwan ng Mayo, pangalawang may pinakamainit na naitalang temperatura sa mundo

0

A person drinks water from a fountain in Retiro Park during a hot day in Madrid, Spain, May 31, 2025. REUTERS/Ana Beltran/File Photo

Sinabi ng mga siyentipiko, na naranasan ng mundo ang pangalawang pinakamainit na panahon nitong nagdaang buwan ng mayo.

Sa kanilang monthly bulletin, nakasaad sa Copernicus Climate Change Service (C3S) ng europen union (eu), na ang global surface temperature noong nakaraang buwan ay nag-average ng 1.4 degrees Celsius na mas mataas kaysa noong 1850-1900 pre-industrial period.

Tila pinutol nito ang serye ng naramdamang pambihirang init, kung saan 21 sa huling 22 buwan ay may average na temperatura sa buong mundo na higit sa 1.5C,  ngunit  nagbabala ang mga siyentipiko na ang pahinga na ito ay malamang na hindi magtatagal.

Ayon kay c3s director carlo buontempo, inaasahang muling malalampasan sa hinaharap ang 1.5C threshold dahil sa patuloy na pag-init ng climate system, na ang pangunahing pinagmumulan ay ang greenhouse gas emissions mula sa nasusunog na fossil fuels.

Smoke rises from the Hubert Lake wildfire WWF023, which forced the evacuation of the Hubert Lake Provincial Park area west of Fawcett, Alberta, Canada in an aerial photograph May 29, 2025. Alberta Wildfire/Handout via REUTERS/File Photo

Ang nagdaang taon ang pinakamainit na naitala sa mundo.

Ang isang hiwalay na pag-aaral, na inilathala ng World Weather Attribution group ng climate scientists, ay natuklasan na ang pagbabago ng klima na dulot ng tao ay nagdulot ng isang record-breaking heatwave sa Iceland at Greenland noong nakaraang buwan nang humigit-kumulang 3C na mas mainit.

Ayon kay Sarah Kew, co-author ng pag-aaral at researcher sa Royal Netherlands Meteorological Institute, “Even cold-climate countries are experiencing unprecedented temperatures.”

Ang global threshold na 1.5C ay ang limitasyon ng pag-init na ipinangako ng mga bansa sa ilalim ng kasunduan sa klima ng Paris na susubukang pigilan, upang maiwasan ang pinakamasamang bunga ng pag-init.

A man sits on a tangle of branches in the Sacramento River while staying cool during a heat wave in Sacramento, California, U.S. May 30, 2025. REUTERS/Fred Greaves/File Photo

Hindi pa teknikal na nalalampasan ng mundo ang target na ito na tumutukoy sa average na global temperature na 1.5C sa loob ng mga dekada.

Gayunman, ang ilang mga siyentipiko ay nagsabi na hindi na ito maaaring makatotohanang matugunan, at hinimok ang mga pamahalaan na bawasan ang CO2 emissions nang mas mabilis, upang limitahan ang “overshoot” at ang lalo pang pagtindi ng “extreme weather.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *