CA nagtakda ng panibagong pagdinig sa hirit na TRO ng Mighty Corporation laban sa BOC

0
migthy

Nagtakda ng panibagong pagdinig ang Court of Appeals sa hirit na TRO ng Mighty Corporation laban sa pagsalakay ng Bureau of Customs sa mga warehouse nito.

Itinakda ng CA Fourth Division ang susunod na hearing sa May 2 sa ganap na alas dos ng hapon.

Hindi natuloy ang pagdinig kahapon dahil sa may urgent leave ang  ikatlong miyembro ng 4th Division na si Associate Justice Nina Valenzuela.

Ayon kay CA 4th Division Chairman Associate Justice Jose Reyes, sa ilalim ng kanilang rules, hindi maaring matuloy ang pagdinig kapag kulang ng isa ang kanilang miyembro.

Samantala, hindi na magpiprisinta ang local cigarette firm at BOC ng mga karagdagang ebidensya.

Binigyan naman ng limang araw ang Mighty Corporation para maghain ng reply sa naging komento ng Office of the Solicitor General.

Naghain ng petisyon saCA ang Mighty Corporation nang ibasura ng Manila Regional Trial Court ang hiling nila na palawigin ang pagpigil sa BOC na magsagawa ng raid sa mga warehouse nila.

Ulat ni: Moira Encina

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *