Cabinet officials na tatakbo sa 2022 elections awtomatikong resigned kapag naghain na ng certificate of candidacy – Malakanyang

Tiniyak ng Malakanyang na patuloy na gagana ang gobyerno at walang leadership vacuum kahit na kumandidato sa 2022 National elections ang ilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque patuloy na gagana ang pamahalaan sa pagbibigay serbisyo sa publiko.

Sinabi ni Roque mayroong mga undersecretaries at assistant secretaries na pupuno sa tungkulin ng mga secretaries.

Inihayag ni Roque ituturing na awtomatikong resigned sa puwesto ang sinumang cabinet officials na maghahain ng kanyang Certificate of Candidacy o COC para sa halalan sa susunod na taon.

Batay sa inilabas senatorial line up ng PDP-Laban Cusi wing kasama sa listahan sina Secretary Roque, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Labor Secretary Silvestre Bello III, Transportation Secretary Art Tugade, Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Agrarian Reform Secretary John Castriciones at Presidential Anti-Corruption Commission chairperson Greco Belgica.

Vic Somintac

Please follow and like us: