Certificate of registration ng isang money changer, kinansela ng BSP

20210810_215333

Inanunsiyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na kinansela ng Monetary Board ang Certificate of Registration bilang remittance at transfer company at foreign exchange dealer/money changer ng P.J. Money Exchange Inc.

Ang kanselasyon ay alinsunod sa Section 901-N ng Manual of Regulations for Non-Bank Financial Institutions (MORNBFI)

Sinabi rin ng BSP na lumabag din ang money changer sa Deed of Undertaking.

Gayundin, sa mga probisyon ng Section 601-N ng MORNBFI at sa Anti-Money Laundering Act (AMLA).

Ang P.J. Money Exchange ay may business address sa Chino Roces Avenue sa Lungsod ng Makati.

Moira Encina