CHED, nagpalabas na ng panuntunan ukol sa paggamit ng pondo para sa libreng tuition fee sa SUC’s

0
ched1

Naglabas na ng panuntunan ang Commission on Higher Education para sa paggamit ng ₱8.8 billion higher education support fund sa ilalim ng programa ng gobyerno ng libreng tuition fee ngayong 2017.

Sinabi ni CHED Chairperson Patricia Licuanan, na ito ay para matiyak na maipapatupad ng tama ang nasabing programa ng gobyerno.

Batay sa joint memorandum circular na pirmado ng CHED at ng Department of Budget and Management  sakop ng nasabing programa ang lahat ng mga mag-aaral na Filipino, na nakapag-enroll sa undergraduate course programs sa mga State Universities and Colleges para sa academic year 2017-2018.

Nakasaad din sa nasabing circular, na hindi dapat mangolekta ang SUC’s ng tuition fee mula sa estudyante at ito ay ibabawas na lang sa HESF.

Hindi naman kabilang dito ang miscellaneous at other fees na dapat bayaran na ng mga estudyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *