China nagbabala ng marami pang mga pagbaha kaugnay ng malakas na bagyong tumama sa bansa

A resident cleans up a street after heavy rainfall led to flooding, in Huaiji county of Zhaoqing, Guangdong province, China June 19, 2025. cnsphoto via REUTERS
Naka-high alert ngayon ang Central at southern China para sa flash floods, dahil sa patuloy na paglakas ng East Asia monsoon at napakalakas na pag-ulan na nagbabanta sa bansa.
Sa report ng state news agency na Xinhua, banggit ang water resources ministry at national weather forecaster China Meteorological Administration, ang red alerts, na kauna-unahan ngayong 2025 at inisyu noong June 19, ay sumasaklaw sa mga lugar sa mga lalawigan ng Anhui, Henan, Hubei, Hunan, Guizhou at Guangxi region.
Ang napakalakas na mga pag-ulan at matinding mga pagbaha, na iniuugnay ng meteorologists sa climate change, ay may malaking hamon sa mga mambabatas dahil nagbabanta itong sirain ang tumatanda nang flood defences ng bansa, na malamang na magresulta upang ma-displace ang milyun-milyong katao at magdulot ng malawakang pinsala sa US$2.8 trillion (S$3.6 trillion) agricultural sector ng China.
Ang panahon ng tag-ulan sa China, na dumating nang mas maaga kaysa karaniwan ngayong taon sa unang bahagi ng Junr, ay karaniwang sinusundan ng matinding init na sumusunog sa anumang mga pananim na nakaligtas sa baha, nagpapatuyo sa mga reservoir at nagpapalutong sa mga kalsada at iba pang imprastraktura.

Rescue workers evacuate residents stranded by floodwaters with a boat, following heavy rainfall in Huaiji county of Zhaoqing, Guangdong province, China June 18, 2025. China Daily via REUTERS
Ang pagkalugi sa ekonomiya mula sa natural na mga sakuna ay lumampas na sa US$10 billion noong July 2024, kung kailan tipikal ang peak ng pagbagsak ng ulan.
Ang pinsala noong 2020 ay triple sa nabanggit na halaga, nang maranasan ng China ang isa sa pinakamahaba nilang rainy seasons sa loob ng mga nagdaang dekada, kung saan mahigit 60 araw na bumagsak ang ulan, o halos tatlong linggong mas mahaba kaysa karaniwan.
Noong June 19, ang malakas na ulan sa southern Hunan ay nag-trigger ng pinakamalaking pagbahang naranasa simula noong 1998, sa upper at lower reaches ng Lishui River makaraang ang lebel ng tubig ay lumampas pa sa safety mark nang higit sa dalawang metro.
Sa Videos na na-upload sa Douyin, makikita ang mga ilog na umapaw sa main roads tangay ang mga debris.
Sa maburol na metropolis ng south-western Chongqing, ang apartment blocks ay nalubog sa maputik na tubig at ilang sasakyan ang tinangay ng baha na rumaragasa sa mgha kalsada, batay sa footage ng state broadcaster na CCTV, at sa mga larawang kuha noong June 19.

A man operates a front loader during a clean-up operation after heavy rainfall led to flooding, in Huaiji county of Zhaoqing, Guangdong province, China June 19, 2025. cnsphoto via REUTERS
Sa isang larawan ay makikita ang tubig-baha na halos umabot na sa mga linya ng kuryente. Nawalan din ng suplay ng tubig at kuryente sa ilang lugar ayon sa CCTV.
Halos 300 katao ang inilikas mula sa mga bayan at villages sa Pengshui county, kung saan ang araw-araw na ulan ay umabot na sa 304mm.
Ang tubig sa iba pang mga ilog sa Chongqing ay lumampas na rin sa alert levels dahil sa napakalakas na ulan, ayon sa Xinhua said.
Noong June 18, nawalan ng suplay ng kuryente sa lungsod ng Zhaoqing sa southern Guangdong Province, matapos na tumaas ang tubig-baha ng mahigit sa limang metrong lampas sa warning levels, na sumira sa historical records, batay sa ulat ng local media.