Chinese na gustong bumisita sa Pilipinas, dumarami
Nakapagtala ang Philippine Embassy ng 200% increase sa Visa application mula sa mga Chinese tourist at businessman na gustong bumisita sa Pilipinas.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana pinawalang bisa na rin ng Chinese government ang lahat ng travel advisories na inisyu nito laban sa Pilipinas.
Sinabi pa ni Sta. Romana na maraming Chinese tourists ang tumigil noon sa pagbisita sa bansa dahil sa tuminding issue sa South China Sea.
Iginiit pa ng Chinese envoy na malaki ang maitulong ng bagong foreign policy at friendly approach ni Pangulong Duterte para muling makapanghikayat ng maraming turista sa bansa.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo