CHR handang tulungan ang mga ikinulong sa secret detention cell ng MPD Station 1
Nakahanda ang Commission on Human Rights na bigyan ng legal assistance ang labintatlong inaresto at ikinulong sa secret cell ng Manila Police District Station 1.
Ayon kay CHR Commissioner Chito Gascon, iimbestigahan rin nila kung talagang sangkot sa pagbebenta o paggamit ng droga ang mga biktima
Kasama sa kanilang aalamin kung ang mga ito at dumanas ng matinding torture mula sa mga pulis.
Iginiit ni Gascon na labag sa batas ang ginawang pagditene sa secret jail sa mga biktima at maaring makasuhan ng paglabag sa anti torture at anti enforced disappearance law ang mga opisyal at tauhan ng MPD Station 1.
Sa ilalim ng section 12 ng Bill of Rights ng 1987 Constitution, mahigpit na ipinagbabawal ang secret detention, solitary incommunicado o mga katulad na pasilidad.
Dapat ring bigyan ng visitorial power ang lahat ng bilangguan.
Ulat ni : Mean Corvera
