CHR sa Mindanao handang tumanggap ng reklamo kaugnay ng umiiral na Martial Law

0
gwen1

Tiniyak ng Commission on Human Rights na nakahanda itong tumanggap ng mga reklamo ng pag-abuso kasabay ng  umiiral na Martial Law sa Mindanao.

Sinabi ni CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana, bukas ang lahat na tanggapan ng CHR sa Mindanao sakaling may ginawang mali sa pagpapatupad ng Batas Militar habang suspendido ang civil law, civil rights, habeas corpus at ang application o extension ng military law o military justice sa sibilyan.

Ayon kay Gana nakakalungkot ang nangyayari ngayong karahasan sa lungsod ng Marawi matapos na kinubkob ng mga rebeldeng Maute.

Lumaki aniya siya sa Mindanao partikular sa Cagayan de Oro kung saan walang kaguluhan noon na nangyayari sa kalapit na lungsod ng Marawi.

Ayon kay Gana, hindi nito akalain na magiging sentro ngayon ng bakbakan ng gobyerno at rebelde ang Marawi City na isa aniyang tahimik na lugar.

Nananawagan rin ito sa publiko na maging mapagmatyag para hindi malabag ang karapatang pantao kasunod ng pagsailalim sa Martial Law ng buong Mindanao.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *