CJ Sereno inatasan ang lahat ng Korte sa Mindanao na manatiling bukas

0
sereno

Inatasan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang  lahat ng hukuman sa Mindanao na manatiling bukas (open) kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Duterte ng Martial Law  doon.

Ipinagutos din ni Sereno sa lahat ng mga hukom na manatili sa kanilang mga istasyon o sala kung maari o pinapayagan ng kanilang sirkumstansya.

Pinagrereport din ng Punong Mahistrado ang mga hukom sa Mindanao  sa Court Administrator kaugnay sa kanilang mga sitwasyon sa pamamagitan ng kanilang executive judge.

Ulat ni : Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *